『Killer's Diary | Tagalog Crime Drama Stories』のカバーアート

Killer's Diary | Tagalog Crime Drama Stories

Killer's Diary | Tagalog Crime Drama Stories

著者: Killer’s Diary
無料で聴く

今ならプレミアムプランが3カ月 月額99円

2026年5月12日まで。4か月目以降は月額1,500円で自動更新します。

概要

Ang Killer’s Diary ay isang Tagalog true-crime podcast na naglalaman ng mga totoong liham, kwento, at karanasan mula mismo sa mga tagapakinig.


Bawat episode ay hango sa aktwal na pangyayari na mula sa aming mga tagapakinig. May ilang detalye mang binago para sa privacy, pero nananatiling totoo ang emosyon at bigat ng bawat kwento.

Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.

Killer’s Diary
ノンフィクション犯罪 戯曲・演劇 社会科学
エピソード
  • CASE #01: Ang Multo ng Nakaraan | Killer’s Diary
    2026/03/11

    Sa episode na ito ng Killer’s Diary, isang nakakabagabag na kuwento ang ibinahagi sa amin ng isang tagapakinig.

    Isang lalaking nagngangalang “Mikel” ang nagsimula lamang sa simpleng pakiramdam ng pagkalito at pagkakabura ng ilang bahagi ng kanyang alaala… ngunit nagdulot ito ng pagkakahatak niya sa isang imbestigasyong hindi niya inaasahan.

    Habang sinusubukang alalahanin ni Mikel ang mga gabing dumaan, unti‑unting lumalabas ang mga piraso ng katotohanan. Ano ba talaga ang nangyari? Biktima ba siya ng isang sitwasyong hindi niya kontrolado—o siya mismo ang naging daan ng trahedya?

    Sa pagharap niya sa interrogation room, sa mga tanong ni Det. Ramos, at sa pagbalik ng mga alaulang matagal na niyang pilit na tinatakasan… mabubunyag ang isang katotohanang hindi niya kayang harapin nang walang mabigat na kapalit.

    Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.

    続きを読む 一部表示
    13 分
  • CASE #02: Confession Tape | Killer’s Diary
    2026/03/17

    Isang lalaking naghahanap ng katahimikan. Isang kumpisalang inaakalang ligtas. At mga salitang hindi na maaaring bawiin. Sa episode na ito, maririnig ninyo ang isang psychological crime confession—isang tahimik ngunit mabigat na salaysay tungkol sa konsensya, alaala, at takot na matagal nang kinikimkim. Hindi ito kwento ng sigawan o habulan. Isa itong dahan‑dahang gumagapang sa isip—isang kuwentong mas mabigat kapag natapos na pakinggan. Kung mahilig ka sa: dark psychological stories, confessional‑style narration, krimeng nakaugat sa emosyon at konsensya, ang episode na ito ay para sa’yo.


    DISCLAIMER

    Ang kuwentong ito ay hango sa liham ng isang tagapakinig. May ilang detalye ang binago upang maprotektahan ang mga sangkot. Ang podcast na ito ay ginawa para sa layuning libangan.


    Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.

    続きを読む 一部表示
    25 分
  • CASE #03: Ang Kandidato | Killer’s Diary
    2026/03/24

    Isang lihim. Isang krimen. Isang lungsod na nababalot ng kapangyarihan at takot.


    Sa gitna ng isang mainit na halalan sa Mindanao, unti-unting nabubunyag ang madilim na mundo sa likod ng politika—kung saan ang mga kaalyado ay nagiging kaaway, at ang tiwala ay pwedeng maging sandata laban sa’yo.


    Dalawang pulis ang haharap sa isang kasong hindi lang tungkol sa pagpatay… kundi sa mga lihim na matagal nang ibinaon sa nakaraan.


    Habang lumalalim ang imbestigasyon, mas nagiging malinaw ang isang bagay—hindi lahat ng nakikita ay totoo, at hindi lahat ng totoo ay kayang tanggapin.


    Makinig sa isang kwentong puno ng suspense, misteryo, at mga tanong na walang madaling sagot.


    Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.

    続きを読む 一部表示
    34 分
まだレビューはありません